Monday, June 13, 2011
Papa Jack Conversation with Caller
DAMANG DAMA KO TO
GUY CALLER: Nakipagcommunicate po sa akin ang ex ko, magkita daw po kami sa monday. Itong x ko pong ito bigla niya po akong iniwan dati. Wala po kaming formal break-up. Gusto ko po sanang makipagkita kasi I want closure. (crying)
PAPA JACK: May gf ka ba ngayon?
GC: Meron po. 1yr and 2mos na. Siya po yung sumalo sa akin nung iniwan ako ng ex ko.
PJ: O anong tanong mo sa akin?
GC: Kasi Papa Jack, nung nakausap ko po yung ex ko, bigla po akong naguluhan. Parang nagulo po ang mundo ko. (crying) Akala ko po kasi moved on na ako, pilit ko siyang kinalimutan dati sa tulong gf ko ngayon. Dapat ko po ba siyang puntahan?
PJ: Mahal mo pa ang ex mo kung ganon. Knowing na nagkakaganyanka, naging unstable ang emotions mo, ay senyales lang na you’re not yet over her.
GC: Akala ko nga din po eh. Siya lang po kasi ang nakapagpatino sa akin dati Papa Jack. Kaya hindi ko po siya makalimutan.
PJ: Ganito ano, makipagkita ka sa kanya. Kunin mo yang closure na hinihingi mo. Para masagot din ang mga tanong mo kung bakit ka niya iniwan dati. Pero, pero, magpaalam ka sa gf mo. Kasi the fact the hindi ka magpapaalam, nagtataksil ka na nun. Mahal mo ba gf mo?
GC: Opo mahal ko naman Papa Jack. Kaya lang pag nagpaalam po ako tiyak na magagalit siya.
PJ: Natural. Alangan maglupasay yun sa tuwa.
GC: Wala po bang madaling paraan para magpaalam sa kanya?
PJ: Wala. You have to do it the hard way. Alam mo, natatakot ako para sayo. Kasi ang dating sa akin is, you want to win your ex gf back. At naiintindihan naman kita dahil sabi mo nga, sobra mo siyang minahal dati at siya lang ang nakapagpabago sayo dati. Ang sad part lang dito, paano na ang gf mo ngayon? Kahit hindi mo sabihin sa akin, I know you want her back. And ayaw mong magpaalam sa gf mo kasi you are playing safe. Na baka kapag hindi successful na bumalik sayo ex mo, meron ka padin gf na babalikan. And that’s unfair
SAPUL
PAPA JACK: Kung isang araw kumatok siya sa pintuan mo at nagmakaawa na balikan mo siya, babalikan mo ba?
LADY CALLER: Hindi na po. Masyado po kasing masakit ang ginawa niya sa akin.
PAPA JACK: Sigurado ka na ba sa sagot mong yan?
LADY CALLER: Opo.
PAPA JACK: Maganda yan. Matalino ka na nakapagdesisyon kang alagaan ang sarili mo. Eh bakit sabi mo natatakot ka na magkita kayo?
LADY CALLER: Hindi ko rin po alam.
PAPA JACK: Ganito. Natatakot ka sa sarili mo dahil baka pag nakita mo siya hindi mo mapigilan at muli mong maramdaman ang pagmamahal na pilit mong kinakalimutan. Mahal mo pa siya. Tama o mali?
LADY CALLER: Tama po. (sobbing)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)







papa jack pwd sumali heheh
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeletepapa jack anung station nio dito sa arizona, america? gusto ko po kayong marinig e. dati nung nasa pinas pa lang ako gabi gabi ko po kayong sinusubay bayan, ngayon hindi ko na magawa yun ang pinakalibangan ko eh
ReplyDeletepapa jack lagi ako sinusubay sa mga caller,,
ReplyDeletegusto sana mag caller paano po ako mag call f dito ako sa cebu hndi ko kasi alam..
pydi pa help....tnx pa great mr cool...nakikinig kami ngayon sa cebu,,tnx papa jack..
Papa J, ganda radio show mo...tawa ako ng tawang para sila ulo mag isa sa room, ...btw streaming sa internet ako lestining from southern california...yearly kasi ako umuuwi sa pinas so na mi-missed ko mga kalog at jokes sa atin...keep it up my friend...Jay
ReplyDeletepapa jack , fan mo po ako . every time na nasa makati ako pinapakinggan ko po kyo , fav. ko ang segment nyo na TLC dahil khit bata palang ako, nkakarelate nko sa mga ibang stories . like iniwan ng bf, niloko ng bf. keep it up po and sana marami pa po kyong maresolbang mga love cases. :)
ReplyDeletegrabe'y :( papa jack i have a prob :( ang hrap mag pasya kng iiwan ko na po si bf o hndi :( evry time na nagpapasya na ko pag nagsory na sya sa kasalanan nia ang bilis ko patawarin sya :( wat do i do mahal ko sya pro TanGa na twag sken nang mga best frend ko :9
ReplyDeletePapa Jack ano Ba? Magandang gawin ko.. kasi Ganito yun nsa japan yun girl nararamdaman ko mahal nya din ako kaso parang baliwala ako saknya?
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDelete